

Butas ButasButas by ~lynnmaxwell
ni Camille Domingo
Nakahiga siya sa kama at nakatitig sa kisame. Mahapdi ang kanyang mga matang nanunuyo, at mabigat ang kaniyang mga bisig at hita. Pumipintig ang kaniyang sentido dahil pinigil niya ang sakit na pilit na kumakawala sa kaloob-looban ng kaniyang kaluluwa.
Tanong. Putang ina. Masyadong maraming tanong.
Huminga siya ng malalim at nanginginig na pinakawalan ang hangin mula sa kaniyang dibdib. Naramdaman niya na tila nahirapan siyang gawin ito. Tila bang may butas ang kaniyang dibdib kung saan tumatagas ang hangin na kaniyang inihihinga. Sa pakiwari niya ay hindi lahat ng hangin na hinihila niya patungo sa kaniyang baga